Thursday, March 29, 2012

LONG DISTANCE.



Ang sarap basahin ng katagang ito, " Distance doesn't matter if two hearts are loyal to each other." Masarap basahin lalo na kung nangyayari palagi. Swerte ang magkarelasyong loyal sa isa't isa kahit pa sabihing 1 million steps ang agwat ng lugar nila.At malas naman kapag may naghihiwalay dahil sa LONG DISTANCE o ang pagkakalayo sa isa't isa. May mga taong faithful talaga sa mga mahal nila. Yung gumagawa ng ways para makacommunicate sa mga taong mahal nila. Na kahit pa sobrang busy sa ginagawa nila e hindi nakakalimot umalala sa mga mahal nila. Andyan din yung hindi siya tumitingin sa ibang babae/lalaki. Yun bang sa inaraw araw ng buhay niya e ikaw lang ang iniisip niya at nagpapangiti sa kanya... Yon ang sinasabing loyal sa isa't isa. Hindi kagaya ng iba. Magkahiwalay lang e may natipuhan ng iba. At ano daw ang dahilan? " Kasi wala ka e, siya yung andito. " Ano ba to? Dramahan? E kung ganon din lang ang tao sayo e hindi ka naman talaga siguro minahal. Pinagpalit ka na, ginago ka pa. Halimbawang nakapunta lang ng ibang bansa e ayaw na agad sayo? Pano nakakita daw ng maganda. Iniwan ka na, nilait ka pa. Ang sakit no? Kaya tayo, kung magmamahal tayo dapat yung loyal. Na kahit 3 taon pa kayong hindi magkita e kung may paraan naman para magkausap e loyal pa rin sayo. And you're both falling in love with each other over and over again. That is a wonderful love. <3

No comments:

Post a Comment