Some people don't understand the way I am. Some are hurt the way I talk. But what I can do, if that's the real me. I am not perfect, but definitely not fake. I always believe that you should not allow yourself to be pushed by your problems, instead let dreams lead you. -- KB
Thursday, March 29, 2012
Flashbacks Hurts After Goodbye
Lahat tayo alam ko may nasabihan na ng "GOODBYE". Mga taong umaalis sa buhay natin, mga taong pumupunta ng ibang lugar, mga taong nalalayo sa atin, mga taong mahal natin na binawian na ng buhay, mga bagay na nasira na, mga alagang hayop na nawala na, mga taong naging bahagi ng buhay mo, at mga taong MINAHAL MO. Masasabi kong masakit ang magpaalam, pero mas masakit ang mga kasunod nito. Andyan yung pakiramdam na naaalala mo yung mga nakaraang magkasama kayo... masasayang alaala, masasayang usapan... tawanan, iyakan, at samahan. Minsan kapag magisa ka, naiisip mo yung mga bagay na ginagawa niyo dati. Yung mga pangako, yung mga kulitan, asaran... Lahat lahat ng mga alaala. Meron pang moment na pati mga naging away niyo dati naaalala mo tapos tinatawanan mo lang. Mapapangiti ka, pero bigla mong marerealize na wala na... wala nang mangyayaring ganon. Masakit na parang masasabi mo na lang na, "Sana hindi na lang nangyari." Masakit man pero kailangang tanggapin. Isang bagay na natutunan ko, hindi pa katapusan ng mundo. Kung may aalis man, may dadating ding bago. At sa bawat bagong dadating, at least marami ka nang natutunan... mga bagay na dapat iwasan at wag nang hayaang maulit pa.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment