Some people don't understand the way I am. Some are hurt the way I talk. But what I can do, if that's the real me. I am not perfect, but definitely not fake. I always believe that you should not allow yourself to be pushed by your problems, instead let dreams lead you. -- KB
Thursday, March 29, 2012
Memories... let go.
" I wish I could forget. " Katagang sinasabi natin kapag may mga bagay na ayaw na nating balikan o maalala pa. Mga alaalang masalimuot. Minsan kasi, kahit pa sabihing okay ka na at masaya ka na. Dumadating yung moment na may makita ka lang na ganito, ganyan... may marinig ka lang na ganon, ganyan... may maaalala at maaalala ka. Hindi man sinasadya pero kusang nagpapaalala. Hindi naman natin maiiwasan ang makalimot sa mga bagay na ayaw na nating maalala pa. Sino ba naman tayo di ba? Tao lang tayo. Sapat lang na naaalala natin ang mga nakalipas. Kasi kung hindi dahil sa mga masasalimuot na nakaraan, walang OKAY na tayo ngayon. Yon e kung okay ka na nga ba talaga. Kasi may mga taong kahit pa lumipas na ang 5 taon e hindi pa rin nakakaget over. Yon ang masama, nakakabaliw. Mas masaya ngang isipin o balikan ang nakalipas e. Kasi dun mo masasabing nagising ka sa isang bangungot. At magpasalamat kay Papa God kasi kahit pa sabihing naaalala mo ang nakalipas e at least wala ka na dun ngayon. Kaya dapat gamitin natin ang mga masasamang nakalipas para maging mas matatag tayo sa mga darating na panahon. E ano naman kung merong masamang nakaraan? E kung nakabuti naman sayo ngayon. Di ba? :") Ang katagang yan, nasasabi lang yan... Pero darating rin ang araw na marerealize mong thankful ka pa dahil nangyari yan.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
May tama din naman hahaha
ReplyDeleteNatatawa ako sa blog mo. Hehe sarap basahin kakarelate :)
ReplyDeleteSalamat po. :") Pakilala naman po kayo. Haha.
ReplyDeletenice one! tama yan noh
ReplyDelete