Thursday, March 29, 2012

BANTAY.

(Repost)

“SIGE na Mommy, pumayag ka na please.”

“Okay. Just don’t be too late. Alam mo naman na delikado ang panahon ngayon,” paalala iyon ng Mommy ni Judith over the cellphone.

“I will, Mommy. Thank you po. Bye!” saka ipinasok ni Judith ang cellphone sa kanyang handbag.

Nakaramdam ng lungkot si Judith nang matapos ang kanilang pag-uusap ng kanyang Mommy. Sinabi kasi niya rito na may research work pa siyang dapat tapusin sa school kaya siya gagabihin. Subalit hindi iyon ang tunay niyang dahilan. Ang pagsisinungaling na iyon ang kanyang ikinalulungkot. Hindi kasi niya ugali na magsinungaling sa kanyang Mommy. Hindi iyon itinuro sa kanilang magkakapatid ng kanilang mga magulang. Lalo na ng kanyang yumaong ama. Galit na galit ito sa mga taong sinungaling.

Nasa unang taon na ng kolehiyo si Judith. Hanggang 6:00 p.m. lang ang kanyang pasok sa araw na iyon at may usapan sila ng kanyang boyfriend na si Joseph na susunduin siya nito sa waiting shed ng kanilang school sa Mandaluyong. Third ‘monthsary’ kasi nila ngayon at napagkasunduan nilang mag-celebrate.

Lihim pa rin kasi hanggang ngayon ang pakikipag-boyfriend niyang iyon sa kaniyang pamilya. Maituturing kasing makaluma ang pag-iisip ng kanyang mga magulang sa usapin ng pakikipagrelasyon. Para sa kanyang mga magulang, hangga’t nasa poder sila ng mga ito ay kailangang sundin nila ang patakarang makapagtapos ng pag-aaral bago ang pakikipagrelasyon.

Ang dalawang nakatatandang kapatid ni Judith ay matiwasay na nakapagtapos ng pag-aaral nang hindi nagkaroon ng anumang problema sa bagay na iyon. At aminado siya, wala siyang nalaman sa anumang pagkakataon na ang kapatid niyang lalaki at babae ay nagkaroon ng karelasyon habang nag-aaral pa ang mga ito. Kaya naman ganoon din ang kanyang ipinangako sa sariling gagawin.

Dangan lamang at dumating sa buhay niya si Joseph. Doon na nasira ang pangako niya sa sarili at sa mga magulang. First love niya ang lalaking bumihag ng kanyang puso. At head over heels siya sa pagmamahal dito.

“I’m sorry.. .na-late ako,” paumanhin ni Joseph nang makaharap niya ito.

“Okay lang, saantayo?” tanong ni Judith.

“Mag-dinner muna tayo. Okay na ba sa ‘yo sa Chowking?”

“Oo naman. Alam ko namang ‘yun ang favorite mong kainan. Halika na…”

Dalawang chicken lauriat with side order ng special halu-halo ang pinagsaluhan nilang dalawa sa kanilang ‘monthsary’. Bakas sa mukha ni Judith ang kasiyahan dahil going strong ang kanilang relasyon ni Joseph.

Nang makatapos silang kumain ay may iniabot sa kanya si Joseph.

“Pasensya kana d’yan. Yan ‘yung gusto mo,” nakangiting sabi nito. “Happy third month anniversary.”

“Thank you…Pero ang daya mo naman, e. Ikaw lang ang may gift ako wala kasi hindi mo sinabi kung ano ang gusto mo. Samantalang ako nabili mo itong gift para sa akin.”

Namalayan na lang ni Judith na hinawakan ni Joseph ang kanyang palad. Malambing napinisil iyon. Nang magtama ang kanilang paningin ay hindi niya mawari kung bakit kinabahan siya sa kanyang nabasa sa mga mata ng kasintahan.

Pilit niyang iwinaksi ang isiping iyon sa isipan. Subalit hindi magsisinungaling ang mga mata ni Joseph. Nababasa niya kung ano ang saloobin ng binata.

“Alam mo naman kung ano ang gusto kong regalo mula sa iyo,” seryosong banggit ni Joseph. “Anniversary naman natin.. .baka pwedeng ngayon na.. Judith.”

Bumilis ang pintig ng puso ni Judith. Hindi agad siya nakatugon sa kahilingan ng binata. Ni sa hinagap, hindi niya naisip na muli ay kukulitin siya ng kasintahan hinggil sa pagpayag niyang ipagkaloob na rito ang kanyang pagkababae, ngayon pa namang anibersaryo nila.

You ‘re so naive, Judith!

Mahal na mahal ni Judith ang kasintahan. Batid niyang hindi niya kakayanin kung sakaling magkakahiwalay sila ni Joseph dahil sa hindi niya pagpayag sa kagustuhan nito. Sa maikling panahon na mag-on sila, pinatunayan rin ng lalaki kung gaano siya kamahal nito. Ipinakita nito ang kabaitan, pagmamalasakit at pagbubuhos ng panahon sa kanya. Mga mahahalagang sangkap sa isang relasyon na sa tingin niya ay sapat na upang patunayan rito ang kanya ring lubos na pagmamahal maging ang kapalit noon ay ang pinaka-iingatang pagkababae.

“Salamat.. Judith,” ani Joseph habang magkadaop ang kanilang mga palad sa loob ng taxi.

“Love kasi kita e,” malambing na tugon ni Judith.

Ilang saglit pa ay pumapasok na ang taxi sa isang motel sa Sta. Mesa. Iginiya sila ng isang roomboy sa ikalawang palapag ng gusali sa direksyon ng kuwarto kung saan nila pagsasaluhan ang luwalhating dulot ng pagniniig.

Naroon pa rin sa dibdib ni Judith ang kaba ngunit ayaw niyang magpahalata sa kasintahan. Desidido na siyang tuparin ang ginawang desisyon kani-kanina lamang para kay Joseph.

“Nakup!.. .may nakalimutan ako,” anas ni Joseph bago pa man sila makapasok sa kuwarto.

“Sandali lang at may kukunin ako sa baba. Pumasok ka na sa loob, ha,” habilin nito sa kanya.

Atubili si Judith na pumasok sa loob. Aniya ay hihintayin na lang niya ang kasintahang makabalik at sabay na si lang papasok sa kuwarto.

Ganito pala ang hilsura ng motel. Ano kayang kukunin ni…

“Huh?!” gulat niyang wika nang mapansing may isang pusa sa kanyang tabi.

Binugaw niya ang pusa upang umalis subalit nanatiling naroon lang ang hayop at animo’y talagang pinagmamasdan siya.

Ano ba ‘tong pusang ito at kinikilabutan ako kung makatingin. Parang alam nito kung bakit ako narito. Sipain ko kaya ito para umalis.

Subalit bago pa naisagawa ni Judith ang balak ay naramdaman na lang niyang nagtayuan ang kanyang balahibo sa buong katawan.

Diyos ko! P-pusa namin ito…Hindi ako maaaring magkamali!

Kasunod noo’y ibayong sindak dahil nang matitigan niya ang mga mata ng pusa ay ang larawan ng kanyang yumaong ama ang kanyang nakita!

Nagpapalahaw sa takot na bumaba ng hagdan si Judith. Takang-takang lumapit si Joseph sa kanya.

“luwi mo na ako, please! Iuwi mo na ako.. .Joseph.. .hu hu hu!”

HINDI natuloy ang balak na mangyari ni Joseph. Subalit hindi rin iyon naging dahilan ng kanilang paghihiwalay. Sa maayos na paliwanagan ay nakumbinsi ni Judith ang kasintahan na ibibigay lamang nito ang kahilingan ng binata kung sila ay kasal na. At mangyayari lamang iyon kapag sila’y nakapagtapos na ng pag-aaral.

Ang pusang nakita ni Judith nang gabing iyon ay ang pusa nga nilang alaga ng kanyang yumaong ama Nang gabing iyon pala ay namatay din ang pusa dahil sa katandaan.

Sinarili na lamang ni Judith ang mga nangyari ng gabing iyon. Batid niyang sa pagmamahal sa kanya ng ama ay hindi siya nito hinayaang magkasala. At kahit sa pamamagitan ng alaga nitong pusa ay nagawa nitong iparating sa kanya ang mensahe ng pagmamahal nito sa kanya.

No comments:

Post a Comment