Bitterness - Salitang pantukoy sa taong mapait ang pagkatao. Hindi masaya, at puno ng inis at galit sa pagkatao.
Maraming tao sa mundong ito ang BITTER. Yun bang imbes na maging masaya at maayos ang pakikisama sa ibang tao, e, lalong sumasama. Alam natin na hindi maganda ang may kaaway. At ako, yung tipo ng taong ayoko ng may kaaway... Pero, 'di naman natin maiiwasan 'yon hindi ba?
Marami akong kilalang tao na BITTER, at sa ngayon, kilalang kilala ko siya. It's been 4 months na, pero matigas talaga ang puso niya. At nakakagulat lang... kung ano-anong sinasabi ng taong 'to against sakin. Sinasabi niya na naninira daw ako ng kanyang pagkatao, sumbungera daw ako, at kung ano-ano pa. Well, aminado ako, mahirap talaga trabaho ko... Dahil nasa 'kin ang sisi. Funny thing is that, lahat ng sinasabi niya, ay hindi totoo.
Anong dapat gawin sa mga taong ganon? Hayaan lang... Never stoop down to their level. Wag tayong gumaya sa kanila lalo na at siya ay matanda pa kesa sakin... Isip bata. Nakakatawa na lang isipin.
Nakakatawang isipin na may mga taong hindi makamove on sa mga pangyayari. Nananahimik ka na, pero eto sila, kumakahol na parang aso. Tumatahol sa taong hindi nila kilala. TAMA DI BA? :)
Yun bang sugod sila ng sugod, parinig dito, parinig doon... Pero ako, tahimik lang. Tahimik ako hindi dahil takot ako, kundi dahil ayokong pumatol sa mga taong mas mababa pa ang lipad kesa sakin.
2 months na lang, magiging malaya na 'ko. Makakalaya na ako sa mga taong BITTER. Ako kasi yung taong positibo. Ayokong sumasali sa mga taong negative dahil nakakaapekto ito, te! Di GA? haha.
Ewan ko ba, kaya kayo! Silence is the best revenge. OKAY?! :)
tama yan! dapat sa kanila sinusunog ng buhay hehe
ReplyDelete